Wednesday, February 20, 2013

Ang Aking Nag-iisang Kapatid


Pitong taong gulang na siya ngayon. Ang pangalan niya na Orvik Samuel ay galing sa aking pangalan na ibinaliktat lamang. Mahilig siya sa mga laruang sundalo at mga gamit may temang sundalo. Magaling din si Orvik kumanta pero mahiyain. Mas lalo na kung may mga bisita. Kadamihan rin sa ginagawa ko, ginagaya niya.
Paborito ni Orvik ang mga sundalo. Minsan, mainitin ang ulo dahil parang soldier. Noong nasa Baguio kami, laging nag tatanong, “ Dad, punta ba tayong PMA (Philippine Military Academy)” Meron hindi makakalimutang ginawa  sa PMA si Orvik noong maliit pa siya. ‘Habang nagmamartsa yung isang kompanya ng kadete sa kalsada, si Orvik seryosong seryoso, nag saludo sa mga kadete na dumadaan sakanya. Yung mga kadete ngumingiti na at sumasaludo yung batang 2 years old sakanila. Pero si Orvik, seryoso. Walang makitang ngiti sakanya.’ At pag aalis na kami sa PMA, hindi pwedeng umalis pag walang picture sa mga tanke at walang unipormeng sundalo.
           Ang isang bagay na mahusay si Orvik ay ang pagkanta. Kayang-kaya niya ang mga notang matataas na hindi pumapalya ang boses. Mga kanta katulad ng ‘Without You’ ni Mariah Carey, kayang kaya niya. Dati, magaling din akong kumanta. Pero, pinalitan ako ni Orvik noong umiba na yung boses ko.

Bihira si Orvik kumanta sa kotse hanggang nanood kami ng Pitch Perfect. Nagandahan siya at ginagaya niya na rin ang istilo pag kumakanta. Yung mga tao sa Pitch Perfect ay kumakanta na walang instrument, ang gamit nila ay ang bibig. Yung iba katunog ng drums tsaka bass. Ang iba backup singer at syempre mayroong lead singer. Kaya pag kumakanta kami ni Orvik, ako yung bass at siya yung vocals na mataas.
           Pag nandito naman kami sa bahay, si Orvik ang tinatawag na Mr. Gaya-gaya. Tinawag ko siyang ganun dahil halos lahat ng ginagawa ko, ginagaya niya. Halimbawa, Pag gumawa ako nang powerpoint presentation, gumagawa din siya. Pag gumawa ako ng Homeschool Bugle, yung magazine na ginagawa ko tungkol sa pagaaral, gagawa din siya ng sarili niyang istilo. Kaya parang anino ko si Orvik, sunod ng sunod.

Kahit gaya-gaya, at mainitin ang ulo na parang sundalo, mahal ko ang aking kapatid. Sa tingin ko siya ang magiging magaling kumanta na sundalo.  At bilang modelo, magiingat ako sa mga ginagawa at sinasabi ko. Dahil alam ko na mga munting mata na laging nakatigin sa akin at tularan lahat ng kilos ko. J