Pitong taong gulang
na siya ngayon. Ang pangalan niya na Orvik Samuel ay galing sa aking pangalan
na ibinaliktat lamang. Mahilig siya sa mga laruang sundalo at mga gamit may temang
sundalo. Magaling din si Orvik kumanta pero mahiyain. Mas lalo na kung may mga
bisita. Kadamihan rin sa ginagawa ko, ginagaya niya.
Paborito ni Orvik ang
mga sundalo. Minsan, mainitin ang ulo dahil parang soldier. Noong nasa Baguio
kami, laging nag tatanong, “ Dad, punta ba tayong PMA (Philippine Military
Academy)” Meron hindi makakalimutang ginawa
sa PMA si Orvik noong maliit pa siya. ‘Habang nagmamartsa yung isang
kompanya ng kadete sa kalsada, si Orvik seryosong seryoso, nag saludo sa mga
kadete na dumadaan sakanya. Yung mga kadete ngumingiti na at sumasaludo yung
batang 2 years old sakanila. Pero si Orvik, seryoso. Walang makitang ngiti
sakanya.’ At pag aalis na kami sa PMA, hindi pwedeng umalis pag walang picture
sa mga tanke at walang unipormeng sundalo.
Ang
isang bagay na mahusay si Orvik ay ang pagkanta. Kayang-kaya niya ang mga
notang matataas na hindi pumapalya ang boses. Mga kanta katulad ng ‘Without
You’ ni Mariah Carey, kayang kaya niya. Dati, magaling din akong kumanta. Pero,
pinalitan ako ni Orvik noong umiba na yung boses ko.
Bihira si Orvik
kumanta sa kotse hanggang nanood kami ng Pitch Perfect. Nagandahan siya at
ginagaya niya na rin ang istilo pag kumakanta. Yung mga tao sa Pitch Perfect ay
kumakanta na walang instrument, ang gamit nila ay ang bibig. Yung iba katunog
ng drums tsaka bass. Ang iba backup singer at syempre mayroong lead singer.
Kaya pag kumakanta kami ni Orvik, ako yung bass at siya yung vocals na mataas.
Pag
nandito naman kami sa bahay, si Orvik ang tinatawag na Mr. Gaya-gaya. Tinawag
ko siyang ganun dahil halos lahat ng ginagawa ko, ginagaya niya. Halimbawa, Pag
gumawa ako nang powerpoint presentation, gumagawa din siya. Pag gumawa ako ng
Homeschool Bugle, yung magazine na ginagawa ko tungkol sa pagaaral, gagawa din
siya ng sarili niyang istilo. Kaya parang anino ko si Orvik, sunod ng sunod.
Kahit gaya-gaya, at
mainitin ang ulo na parang sundalo, mahal ko ang aking kapatid. Sa tingin ko
siya ang magiging magaling kumanta na sundalo. At bilang modelo, magiingat ako sa mga
ginagawa at sinasabi ko. Dahil alam ko na mga munting mata na laging nakatigin
sa akin at tularan lahat ng kilos ko. J
No comments:
Post a Comment